Suring-Pelikula | Anak |
---|
Direksiyon | Rory B. Quintos |
---|
1. Tauhan
- Vilma Santos - Josie
- Claudine Barretto - Carla
- Joel Torre - Rudy
- Baron Geisler - Michael
- Sheila Mae Alvero - Daday
- Amy Austria - Lyn
- Cherry Pie Picache - Mercy
- Leandro Muñoz - Brian
- Tess Dumpit - Norma
- Cris Michelena - Arnel
- Hazel Ann Mendoza - Young Carla
- Daniel Morial - Young Michael
- Gino Paul Guzman - Don Don
- Jodi Sta. Maria - Bernadette
- Odette Khan - Mrs. Madrid
Mahusay na nagampanan nila ang papel bilang mga tauhan sa kwento. Dahil natural ang kanilang mga galaw at walang naiilang sa pagganap sa kanilang tauhan. Ito ay pagsasabuhay ng kwento ng karamihang sa OFW's na iniiwan ang kanilang mga anak sa Pilipinas at pupunta ng ibang bansa upang kumita ng malaki para lang mabuhay.
2. Istorya o Kwento
Buod
Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang domestic worker. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa mga anak niya upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Binangggit niya na ginagawa niya ito para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak. Bagama't siya ay malayo sa kanila, tiniis nya ang mga pasakit ng kanyang amo at ang kanyang pagnanais na makasama ang kanyang mga anak sa kanilang paglaki.
Pagkaraan ng ilang taon ay nakauwi na rin siya dahil sa pagpapasyang hindi na pagtatrabaho sa Hong Kong at siya ay magnenegosyo na lamang. Sa kanyang pagbabalik, hinarap niya ang matabang na pagsalubong ng mga anak. Si Daday (Sheila Mae Alvero), ang bunso, ay hindi siya kilala, si Michael (Baron Geisler) ay mahiyain at walang kimi at si Carla (Claudine Barretto), na hindi man lang siya ginagalang at iniitsa-pwera lamang. Lahat ng hirap ay tiniis niya upang makuha man lamang ang atensiyon ng mga anak at sa mga araw na lumilipas ay nakikilala niya ang kanyang mga anak. Nakita niya ang mga bisyo at karanasan ni Carla ang pag-aaral, paninigarilyo, paglalagay ng tattoo, paghihithit ng rugby, panlalalake at paglalaglag ng bata. At marami pang problema ang kanyang kinaharap, ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyang mga anak, nabangga pa ang taksing pinundar niya at iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos nito ang perang ibabahagi sana niya.
Si Josie ay nagkaroon ng maraming pagkukulang. Isa siyang masamang ehemplo katulad ng anak niyang si Carla. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagama't malayo siya sa kanilang tabi. At mula sa pangyayaring iyon ay nagbalik-loob si Carla sa kanyang ina at nagpakatino na siya bilang anak at nakatatandang kapatid na siyang gagabay sa mga bata niyang kapatid sa muling pag-alis ng ina.
Ang kwento ay kapanapanabik dahil ipinapakita nito kung ano ang nangyayari sa mga OFW na umaalis papuntang ibang bansa at uuwi dito sa Pilipinas ng puno ng kasabikang makita ang mga anak ngunit dahil sa matagal siyang nawala sa kanila at hindi na niya gaano kilala ang kanyang mga anak.
Malalim ang hatid ng istorya dahil ito ay makatotohanan, ang fokus nito ay kung paano mabigay ng ina ang kanyang pagkukulang sa kanyang mga anak upang bumalik ang loob ng mga ito sa kanya. Ang paglabas ng mga tagong detalye sa pelikula ay mabagal ang pag usad pero hindi masyadong nahuhulaan agad ang susunod na mga pangyayari dito. Ang pelikulang ito ay dapat panoorin dahil pinapahalagan nito ang isang pamilyang at pinapakita ang isang tunay na pamilyan pilipino.
3. Pananalita
Sa pananalita ay walang ilangansa pag ganap sa kanilang mga tauhan pagdating sa mga dayalogong kanilang saasabihin, ginagampanan ang tamang dayalogo para sa isang sitwasyon sa pelikula na walang halong arte sa gaganapin na kung dapat pagdatin sa mga eksenang dapat mahinahon ay dapat mahinahon rin ang pananalita, kapag nasasabik naman ang tabuhan ay dapat yun rin ang kalalabasan ng kanyang pag arte at pagdating naman sa mga pag aaway na mga dayalogo ay dapat buhos ang expression ng mukha hindi lang sa pagdadayalogo na parang walang tuldok.
4. Tema o Paksa
Ang tema ng pelikulang ito ay ang maipahatid sa mga manood, hindi lang sa mga simple manonood kundi para sa mga manonood ng may kapamilyang OFW na sanay maintindihan nila ang mga pinagdadaan nila doon, ang mga pagsubok na kinakaharap, and hirap na mawalay sa pamilya sa Pilipinas at ang pagpapahalaga ng isang ina sa kanyang mga anak, na umalis siya sa Pilipinas upang maging OFW para pa iahon niya ang kanilang buhay dito sa Pilipinas.Bilang isang manonood, naiitindihan ko ang isang buhay ng OFW pero hindi gaanong naiintindihan dahil ang hirap na dinaranas nila doon ay masmabigat kesa sa nararanasan natin dito sa Pilipinas, karapatdapat talaga silang tawaging mga bagong bayani dahil sa kanilang paghihirap para sa kadahilanang maiangat ang kanilang buhay at lalong lalo na para sa kanilang pamilya.
5. Titulo
Ang titulong Anak para sa pelikulang ito ay angkop na angkop. Sinisumbolo nito ang mga hamon sa inang hindi na gaanong kilala ang kanyang mga anak at ito ang nagiging mitsa ng pagkakaroon ng magandang agos ng pelikula.
6. Cinematograpo
Mahunas ang mga angulo ng camera dahil alinaw ang bawat eksenang nagaganap at gumamit ng realistikong pamamaraan ng pag angulo ng mga camera. Hindi nasusukat ang visual effects sa kagandahan ng pelikula kundi kung paano ang kwento dumadaloy at kung paano gampanan ng mga aktor ang kanilang papel. Kailangang ma adjust ang galaw ng aktor dahil tinatawag rin itong chase scene sa mga pelikula.
source:s
http://tl.wikipedia.org/wiki/Anak_(pelikula)
http.//www.youtube.com/

7. Aspektong Teknikal
Ang mga sumisingit na mga musika sa mga emotional na parte ng kwento ay mashinihila nito ang mga manonood na umiyak sa o maging emotional rin kagaya ng nanood sa pelikula. Akma ang pagpapalit-palit ng mga eksena dahil nagiging sunod sunod ang pag daloy ng kwento para mas maging epektibo ito. Ang paka coordinated ng mga kagamitan sa set ay umaakma dahil tamang tama at hindi lumabis ang lighting effects o ilaw at ang tunog rin. Wala masyadong special effects ang naganap sa pelikula dahil hindi naman sci-fi, action o iba pa ang kategorya ng palikula kundi drama, maliit lang dito ang papel ng kompyuter. Ang pagkadugtong dugtong ng mga kinunang eksena ay nagbigay ng magandang resulta dahil maganda ang pagkakagawa at pagkasunod sunod ng mga ito.
Nandito ang trailer ng pelikula

Borgata Hotel Casino & Spa - Mapyro
TumugonBurahinAddressZip 포천 출장샵 Code: 광주광역 출장샵 394020 김포 출장마사지 Laughlin NV 창원 출장샵 89109Phone: 화성 출장샵 (702) 414-3740Directions: From the Main Phone Menu